Muling binuhay ng Department of Agriculture ang ‘El Niño’ task force.
Ito ay bilang tugon sa pagpasok ng El Niño o panahon ng tag-init.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, tutukan ng task force ang pag-streamline sa pondo ng mga proyekto, pagpapagawa ng mga irigasyon, pagtitipid sa tubig at iba pa.
Nabatid na si DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang tatayong chairman ng task force.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa National Irrigation Administration (NIA) para tiyakin na naayon ang mga proyekto sa mga lugar na maapektuhan ng El Niño.
Sinabi pa ni De Mesa na tukoy na ng kanilang hanay ang uri ng palay na “drought-resistant”.
Balak na rin ng DA na i-adjust ang planting calendar pati na ang pagsasagawa ng cloud-seeding operations.
Ayon sa Pagasa, magsisimula ang El Niño sa ikatlong quarter ng taong 2023 o Hulyo hanggang Setyembre at tatagal ng hanggang sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.