P4-M halaga ng high grade marijuana nasabat ng PDEA

By Jan Escosio April 14, 2023 - 11:51 AM
Agad inaresto ang isang lalaki sa tangka nitong pagkuha sa package na naglalaman ng higit dalawang kilo ng high grade marijuana o kush. Nahuli si Jeric Herrera, 27, ng Barangay 310 sa Sta. Cruz, Manila sa pamamagitan ng controlled delivery operation ng mga ahente ng PDEA – Central Luzon. Kinuha ni Herrera ang limang lata kung saan itinago ang limang plastic pouches na naglalaman ng P3.9 milyong halaga ng kush. Sa ulat kay PDEA Dir. Gen. Moro Lazo nagmula sa US ang pakete at dumating sa Port of Clark noong Abril 11. Sinabi ng opisyal na idineklarang green tea ang laman ng pouches at isinailalim na ito sa x-ray at K9 examinations dahil sa pagdududa.

TAGS: arestado, manila, Marijuana, news, PDEA, Radyo Inquirer, sta cruz, arestado, manila, Marijuana, news, PDEA, Radyo Inquirer, sta cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.