Scuba diving activities sa Monad Shoal, hindi apektado ng pagsadsad ng MV Belle Rose
Nilinaw ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi apektado ng pagsadsad ng Panamanian registered vessel na MV Belle Rose ang tourist scuba diving operation sa Monad Shoal malapit lamang sa Malapascua Island, Cebu.
Ayon kay Coast Guard Commandant RADM William Melad, upang masiguro ang kaligtasan ng mga scuba divers na nais makakita ng tanyag ng “Thresher shark” ng Malapascua, Cebu
Ang “Thresher shark” ay uri ng pating na may napakabang dulo ng buntot na dinarayo at kinagigiliwan ng mga turistang scuba divers.
Sa ngayon, off limits lang ng may ilang metro ang mga divers sa bahagi ng pinagsadsaran ng cargo vessel na naglalaman ng may 4,000 toneladang semento.
Ayon naman sa pamunuan ng mga scuba diving resort sa Cebu, hindi pa nagsisimulang sumikat ang araw ay nagsisimula na silang maglayag upang maabot ng maaga ang dive site kung saan aabangan ng divers ang paglutang ng Thresher sharks sa may kalalimang bahagi ng shoal.
Batay sa record ng Philippine Sports on Scuba Diving o PSSD ng Department of Tourism (DOT), malaking bahagi ng turismo ng bansa ang Malapascua Cebu dahil sa napakaganda at popular na Thresher sharks.
Sa ngayon nananatili pa rin sa lugar ang sumadsad na barko habang pinipilit pang palutangin ng kinomisyong Salvor ng may-ari ng sumadsad na bapor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.