1,048 agrarian reform beneficiaries sa Masbate tumanggap ng e-titles mula sa DAR

By Chona Yu April 13, 2023 - 07:19 AM

 

Aabot sa 1,048 na agrarian reform beneficiaries ang nabigyan ng e-title ng Department of Agrarian Reform sa Barangay Alas, Mandaon, Masbate.

Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, nasa 2,130 ektaryang lupa ang sakop ng 1,048 ng e-titles sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o SPLIT Project ng DAR.

Isa sa mga nakinabang sa prgrama si Hermenigilda Aguilar, 75 anyos na inabot ng 23 taon sa paghihintay bago nakakuha ng titulo.

Ibinunyag niya na ipinaalam sa kanya ng DAR noong taong 2000 na ang lupang inakala niyang pag-aari ng kanyang pamilya at matagal nang binubungkal ay mga lupang pag-aari ng gobyerno.

“Nang nakita namin ang aming pangalan sa e-title, doon namin napagtanto na ang lupang aming binubungkal ay legal at ganap ng sa amin,” ani Aguilar.

Sinabi naman ni Estrella na ang aktibidad ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pamamahagi ng lupa, pagkakaloob ng hustisya pang-agraryo at pagbibigay ng mga suportang serbisyo sa mga ARB, habang nangako siyang ibibigay ang kanyang makakaya upang matiyak na aalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka sa ilalim ng administrasyong Marcos.

“Mag anatay lamang kayo. Bibigyan namin kayo ng higit pang mga lupain at kinakailangang suporta upang matulungan kayong mapabuti ang inyong pang-ekonomiyang pamumuhay,” pahayag ni Estrella.

 

TAGS: DAR, lupa, magsasaka, Masbate, news, Radyo Inquirer, title, titulo, DAR, lupa, magsasaka, Masbate, news, Radyo Inquirer, title, titulo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.