Sen. Bong Go sinabing dapat may plano na sa mga Filipino sa Taiwan
By Jan Escosio April 11, 2023 - 10:14 PM
Nanawagan si Senator Christopher Go sa Department of Migrant Workers (DMW) na maglatag na ng “contigency measures” para sa proteksyon ng mga Filipino na maaring maipit sa pagsiklab ng krisis sa pagitan ng China at Taiwan.
Kasunod ito nang pagpapadala ng China ng kanilang hukbong pandigma sa Taiwan Straits matapos makipagpulong si Taiwan President Tsai Ing-Wen kay US Speaker Kevin Macarthy na naging mitsa ng tensyon sa rehiyon.
Sinabi ni Go na dahil sa mga bagong kaganapan sa Taiwan Strait dapat ay kumilos na ang gobyerno sa pamamagitan ng DMW upang matiyak naman ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino sa Taiwan.
Aniya ang dapat na paghandaan na ay ang agarang pagpapa-uwi sa mga Filipino at pagbibigay sa kanila ng kabuhayan kapag nakabalik na sila sa bansa.
Mahalaga, sabi pa ni Go, na maging “proactive” ang gobyerno sa mga ganitong sitwasyon at gawing una sa mga prayoridad ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.