8 sa bawat 10 Pinoy pabor sa ROTC

By Jan Escosio April 11, 2023 - 03:46 PM

PDI FILE PHOTO

Ibinahagi si Senator Sherwin Gatchalian na mayorya sa mga Pilipino ang pabor sa pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa kolehiyo. Base ito aniya sa resulta ng survey ng Pulse Asia noong Marso 15 hanggang 19 kung saan lumitaw na walo sa 10 Pilipino ang sumusuporta sa pagpapatupad ng ROTC.

Batay sa survey, 78% ng mga respondent ang sumasang-ayon sa pagpapatupad ng mandatory ROTC sa kolehiyo; 13% ang hindi sumasang-ayon; 8% ang hindi pa desidido at ang natitirang iba pa ay nagsabing hindi sapat ang kanilang kaalaman upang magkaroon ng opinyon sa isyu.

Lumitaw din sa survey na pangunahing dahilan ng pagsuporta sa ROTC ang paniniwalang matututo ang kabataan ng disiplina at responsibilidad.

Naniniwala din ang mga sumusuporta sa panukala na paiigtingin ng programa ang kahandaan ng kabataang ipagtanggol ang bansa at mahahasa ang kanilang kakayahan bilang mga lider.

Ang mga hindi naman pabor ay  nagsabing tataas ang kaso ng pang-aabuso, harassment, at hazing habang ang iba ay  naniniwalang pag-aaksaya lamang ito ng panahon na dapat sana’y iginugugol sa pag-aaral.

Nanindigan naman si Gatchalian na may safeguards ang panukalang batas tulad ng pagkakaroon ng Grievance Board sa bawat ROTC unit na tatanggap sa mga reklamo at mag-iimbestiga sa mga alegasyon ng pang-aabuso, karahasan, at korapsyon.

TAGS: college, mandatory, rotc, college, mandatory, rotc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.