Nagbitiw sa tungkulin ang gobernador ng Tokyo, Japan matapos itong akusahang gumagamit ng pondo ng publiko sa kanyang personal na mga lakad.
Si governor Yoichi Masuzoe na ang ikalawang opisyal na napilitang magbitiw sa kanyang puwesto matapos mahirang na host ng 2020 Olympics ang Tokyo.
Una nang nagibitiw din sa puwesto bilang gobernador noong 2013 si Naoki Inose matapos masangkot naman sa iskandalo ukol pa rin sa pera.
Unang nadawit si Masuzoe sa mga alegasyon noong Abril nang lumutang ang mga balitang ginagamit nito ang kanyang opisyal na government vehicle sa kanyang pamamasyal .
Nadagdagan pa ito ng mga balitang bumibiyahe palabas ng Japan ang gobernador sa pammagitan ng first class at ginagamit nito umano ang pera ng gobyerno sa kanyang mga family outing at hotel accommodation sa Japan.
Dahil sa mga naturang alegasyon, tuluy-tuloy na binatikos ang gobernador hanggang sa mapilitang magbitiw sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.