60 porsiyento ng langis sa Oriental Mindoro nalinis na – PCG
Nasa 60 porsiyento na ang Philippine Coast Guard sa paglilinis sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon kay PCG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr., deputy commandant for Operations, magandang senyales ito na nalilinis na ang karagatan sa oil spill sa tulong ng Japan Coast Guard, US Coast Guard, US Navy, Korean Coast Guard pati na ang mga eksperto mula sa France.
Sinabi pa ni Punzalan na sa ngayon, wala nang nakikitang pagtagas ng langis sa mga tangke na karga ng lumubog na MT Princess Empress, na napinsala ang limang tangke.
Ayon pa sa opisyal, hinihinala ng kanilang hanay na tatlong tangke pa ang may laman pero hindi naman na tumatagas.
Hindi pa natukoy ng opisyal kung kailan matatapos ang paglilinis sa oil spill.
Puspusan naman aniya ang kanilang paglilinis sa oil spill para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.