Walang biyahe ang Philippine National Railways (PNR) sa apat na araw ng Semana Santa.
Base sa anunsiyo ng ang mga huling biyahe ng PNR sa kanilang mga ruta ay sa Abril 5, araw ng Miyerkules.
Wala ng biyahe simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Sa suspensyon ng mga biyahe, magsasagawa ang PNR ng “maintenance inspections” sa kanilang mga tren.
Muling bibiyahe ang mga tren ng PNR sa Abril 10, araw ng Lunes at idineklara ng special non-working holiday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.