Pope Francis tinamaan ng respiratory infection, nasa ospital
Nasa ospital ngayon sa Rome si Pope Francis bunga ng pagkakaroon ng respiratory infection, ayon sa Vatican.
Nilinaw naman agad sa pahayag na walang COVID 19 ang Santo Papa bagamat sa mga nakalipas na araw ay nakaranas siya ng hirap sa paghinga.
Kinakakailangan na manatili siya sa Gemelli Hospital para sa kanyang “medical therapy.”
“Pope Francis is touched by the many messages received and expresses his gratitude for the closeness and prayer,” ang pahayag ng Vatican.
Sa susunod na linggo ang Semana Santa at ayon sa Vatican, kung kailan ay maraming aktibidad dapat ang 86-anyos na Santo Papa, simula sa Palm Sunday.
Nakatakda din bumisita si Pope Francis sa Hungary sa susunod na buwan.
Huling nakita si Pope Francis noong nakaraang Miyerkules sa kanyang linggugang pagharap sa St. Peter’s Square.
Noong 2021, inoperahan siya sa colon at aniya nagbalik ito.
Sa mga nakaliaps na buwan ay gumagamit na ng wheelchair ang Santo Papa para sa kanyang pagkilos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.