Pangulong Marcos Jr., may utos para sa suportahan ang SBP

By Chona Yu March 29, 2023 - 02:47 PM

Nagpalabas ng kautusan si Pangulong Marcos Jr. para magtatag ng Inter-Agency Task Force bilang suporta sa Samahang Baskebol ng Pilipinas (SBP).

Ito ay para suportahan ang SBP  sa paghahanda  sa  FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa bansa sa Agosto.

Base sa AO Number 5, inaatasan ang lahat ng tanggapan ng gobyerno at kinauukulang ahensiya pati na ang mga local government units na suporatahan ang SBP.

Magsisilbing chairman ng task force ang pinuno ng Philippine Sports Commission (PSC) habang magiging miyembro ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health(DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism(DOT), Department of Transportation(DOTr), Bureau of Customs(BOC), Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP), at Metro Manila Development Authority (MMDA).

May patsa noong nakaraang Marso 27 ang naturang kautusan.

TAGS: basketball, FIBA, LGUs, psc, task force, basketball, FIBA, LGUs, psc, task force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.