Pangulong Marcos Jr., namahagi ng higit 1,300 bahay sa Malabon
Nasa 1,380 residential units ang ibinigay ni Pangulong Marcos Jr. sa mga informal settlers sa Malabon City.
Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Marcos ang turnover ceremony sa 23 five-story low-rise buildings sa St. Gregory Homes Project sa lungsod.
Nabatid na ang naturang proyekto ay partnership sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at lokal na pamahalaan ng Malabon.
Layunin ng proyekto na mabigyan ng maayos at ligtas na bahay ang mga residente.
Nabatid na ang mga benepisyaryo sa proyekto ay ang mga informal settlers na naninirahan sa waterways at danger zones ng Malabon.
Hanggang noong Pebrero 27, nasa 720 na units na ang ready for occupancy habang ang natitirang 400 na pamilya ay malapit na ring lumipat.
“Sana po ay magsilbi ito na paalala at patunay na ang proyektong ito ay handang gumabay at tumulong sa inyo tungo sa pag-unlad ng inyong pamumuhay,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.