Las Piñas City LGU isineselebra ang cityhood at founding anniversary
Dobleng pagdiriwang ang sabay na nagaganap sa lungsod ng Las Piñas, ang kanilang 26rh Cityhood at 116th Founding Anniversary at ibat-ibang aktibidades ng handog ng pamahalaang-lungsod sa mga residente.
Ayon kay Mayor Imelda Aguilar, ang mga programa at aktibidad ay sinimulan ngayon araw kanikang alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Una ay ang health and wellness programs na ginaganap sa Verdant covered court, kabilang ang libreng laboratory test sa FBS, cholesterol at blood typing, HIV screening, nutrition education, dental services at pagbabakuna sa mga sanggol at bara, gayundin ang pagtuturok ng pneumonia vaccine sa mga senior citizens. Bahagi din ang family planning at chest x-ray.
Nagdadaos din ng cityhood mega jobfair sa Robinson”s Place para sa mga residente ng lungsod na naghahanap ng trabaho, kasabay nang pagtanggap ng aplikasyon at renewal ng green card holders.
Dagdag pa ni Aguilar, bukas, Marso 28 magbibigay din ng libreng bakuna at deworming ng mga pusa at aso,. Kasabay nito ang pamamahagi ng mga seedlings at fertilizers sa verdant covered court mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Samantala, ang mga nagsasama naman na gustong magpakasal ay maaring sumali sa “Kasalang Bayan” na gaganapin naman sa Marso 31.
Naghanda din ang pamahalaang-lungsod ng kasiyahan sa pamamagitan ng cultural show na inorganisa ng Las Pinas Tourism and Cultural Office (TCO) na katatampukan ng ibat-ibang kapistahan, kasama na ang presentasyon ng sikat na Banda Jose.
Sentro din ng kambal na pagdiriwang ang Sarao jeepney sa harapan ng city hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.