DPRI may imbitasyon sa Filipino journalists

By Jan Escosio March 26, 2023 - 09:16 PM

Hinikayat ng Drug Policy Reform Initiative (DPRI) ang lahat ng mga media practitioners sa bansa na magsumite ng online applications para sa isang media fellowship.

Layon ng proyekto na mapalawak pa ang kaalaman ng Filipino media practitioners sa isyu na may kinalaman sa droga.

Maaring magsumite ng aplikasyon hanggang sa Lunes, Marso 27

www.tinyurl.com/DPRIFellowship kalakip ang kanilang  curriculum vitae at ang istorya na kanilang naiisip gawin.

May 20 aplikante ang pipiliin at bibigyan sila ng P15,000 hanggang P30,000 na kanilang magagamit sa paggawa ng kanilang istorya.

Ang tema ng proyekto ng DPRI ay “Putting People First – Media Fellowship for Humane Drug Policy.”

Ang mga lalahok ay sasailalim  sa training, coaching, at feedback sessions ng mga kapwa journalists at advocates mula Abril hanggang Mayo ngayon taon.

Bukas ang fellowship sa lahat ng Filipino editors, reporters, photojournalists, anchors at news managers  sa bansa.

TAGS: drugs, journalist, drugs, journalist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.