P4.9 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat sa Zamboanga
By Chona Yu March 25, 2023 - 01:52 PM
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P4.9 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga Port.
Ayon sa BOC, nasa isang motorized wooden aircraft na may pangalangang “Jungkong” ang 141 master cases na sigarilyo.
Galing ng Parang Sulo at patungo sana sa Jolo, Sulu ang mga kargamento nang maharang ng BOC sa karagatan ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.
Bigo ang sakay na apat na crew na makapag-presenta ng kaukulang dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.