De Lima umaasa na pagbibigyan ang hirit na makapag-piyansa
Naiprisinta na ng panig nig prosekusyon ang kanilang huling testigo sa drug case ni dating Senator Leila de Lima.
Kayat umaasa ang kampo ng dating senadora na pagbibigyan ng Muntinlupa RTC Branch 256 ang kanilang petisyon na mskapag-piyansa para sa pansamantalang pagpapalaya kay de Lima.
Kahapon ay dumalo pa si de Lima sa pagdinig ng kanyang kaso, kung saan ay humarap si Jojo Baligad, isang preso sa National Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Boni Tacardon, abogado ni de Lima, may 10 araw ang prosekusyon na mag-alok ng kanilang ebidensiya at ang depensa ay may limang araw naman upang mag-komento.
Umaasa aniya sila na mabilis na makakapagpalabas ng desisyon ang korte.
Inabot ng anim taon ang panig ng prosekusyon na matapos ang presentasyon ng kanilang mga testigo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.