Legal officer ng NBI, sinuspinde dahil sa pambababae

By Chona Yu June 15, 2016 - 07:53 AM

justiceDahil sa pambababae, sinuspinde ng tatlong buwan ng Korte Suprema ang isang abogado na nagsisilbing legal officer ng National Bureau of Investigation (NBI).

Batay sa desisyon ng Supreme Court, nakagawa kasi ng imoralidad si Atty. Leonardo Advincula.

Nabatid na ang kanyang asawang si Cecilia Clarissa Advincula ang naghain ng reklamo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Napag-alaman na nakipag-relasyon si Advincula sa ibang babae noong hindi pa siya ganap na abogado.

Isang buwang suspensyon lamang ang inirekomendang parusa ng IBP committee on bar discipline subalit tinaasan ito ng IBP board of governors ng hanggang tatlong buwan.

Sinabi pa ng IBP na nilabag ni Advincula ang code of professional responsibility ng mga abogado na nagsasabing hindi sila dapat masangkot sa unlawful, dishonest, immoral at deceitful conduct.

 

 

 

TAGS: SC supends lawyer for immorality, SC supends lawyer for immorality

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.