‘Duterte dapat bigyan ng emergency powers kontra Abu Sayyaf-Lacson

By Kathleen Betina Aenlle June 15, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Malakas ang paniniwala ni Senator-elect Panfilo Lacson na makakatulong sa administrasyon ni incoming President Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng emergency powers sa kaniya para matigilan na ang mga Abu Sayyaf.

Paliwanag ni Lacson, dapat bigyan ng Kongreso ng emergency powers si Duterte para mas madali niyang maharap ang terorismo sa bansa, pati na ang iba pang problema ng bansa tulad ng iligal na droga at matinding trapiko.

Kailangan na aniyang tapatan ng gobyerno ang kawalang hiyaan ng Abu Sayyaf na kamakailan lang, ay pumatay na naman ng isa sa kanilang mga dayuhang hostage na si Robert Hall.

Ngayon na rin aniya ang tamang panahon para sa wakas ay harapin na ng administrasyon ang problema sa Abu Sayyaf.

Aniya pa, “kidnap them back or kill them.” Gayunman, aminado naman siyang hindi ito magiging madali at mangangailangan ng magaling na intelligence work.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.