Sen. Imee Marcos sinegundahan posisyon ni PBBM sa Cha-cha

By Jan Escosio March 17, 2023 - 01:52 PM

SENATE PRIB PHOTO
Inanunsiyo na ni Pangulong Marcos Jr., na hindi niya prayoridad ang pag-amyenda sa Saligang Batas ng bansa at ito ay sinegundahan ng kanyang kapatid, si Senator Imee Marcos.   Katuwiran ng senadora, napakarami pang isyu na dapat unahin kaysa sa pagbabago sa ilang probisyon sa 1987 Constitution.   Dagdag pa nito, nakakasagabal lang ang isyu sa Charter change at ang dapat na maging sentro ng atensyon ay ang paglikha ng mga trabaho, ang mataas na inflation at seguridad sa pagkain.   Bukod pa dito ang isyu sa peace and order matapos ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, gayundin kay Aparri Vice Mayor Rommel Alameda.   Tinitiyak ng presidential sister na magkakaroon din ng tamang panahon para sa pagsusulong sa Cha-cha.   Sa ngayon, nananatiling malamig ang maraming senador sa Cha-cha, maliban kay Sen. Robinhood Padilla, na nais mabago na ang economic provisions ng Saligang Batas.

TAGS: Cha-Cha, Marcos, Presyo, priority, trabaho, Cha-Cha, Marcos, Presyo, priority, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.