Mga kaso sa may-ari ng MT Princess Empress inaasikaso na sa DOJ

By Jan Escosio March 17, 2023 - 09:11 AM

Naghahanda na ang Department of Justice (DOJ) para sa mga posibleng kaso na isasampa laban sa mga may-ari at operators ng MT Princess Empress, ang tanker na lumubog sa dagat ng Oriental Mindoro at nagdulot ng oil spill.

Sinabi ni Sec. Jesus Crispin Remulla inaayos na lamang ang mga ebidensiya para sa pagsasampa ng pormal na reklamo.

Pagbabahagi pa nito, nakuha na ng NBI ang testimoniya ng isang tao na may nalalaman ukol sa lumubog na tanker.

“Isang major finding natin ay hindi siya brand new vessel,” ani Remulla.

Dagdag pa niya tumuloy sa biyahe ang tanker sa kabila ng gale warning noong Pebrero 28.

“It was not built to be a tanker from the very beginning. And we’re looking from the angle of insurance also kasi parang may insurance siyang napakalaki,” dagdag pa ng kalihim.

Umaasa si Remulla na sa susunod na linggo ay magkakaroon na ng linaw ang mga reklamo na kanilang isasampa.

TAGS: DOJ, NBI, tanker, DOJ, NBI, tanker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.