Mga kinatawan ng CPP-NDF at pamahalaan, nagkita na sa Norway

By Jay Dones June 15, 2016 - 04:28 AM

sison belloSisimulan na ang inisyal na pag-uusap sa pagitan ng kampo ng Communist party of the Philippines at gobyerno ng Pilipinas sa Oslo, Norway.

Dumating na sa Oslo, Norway sina Jose Maria Sison, founding chair ng CPP, at kanyang mga delegado nat nakipagkita na sa mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas sa pangunguna nina incoming Labor Secretary Silvestre Bello III at peace negotiator Jesus Dureza.

Mistulang ‘reunion’ ng mga dati nang magkakaibigan ang pagkikita ng dalawang kampo sa Oslo.

Ilan sa mga isyung inaasahang tatalakayin pa sa informal talks sa pagitan ng dalawang panig ay ang magiging laman magaganap na pormal na pag-uusap sa ilalim ng Duterte administration.

Umaasa ang magkabilang panig na magkakaroon na ng kahihinatnan ang matagal nang nabibinbing peace talks sa pagitan ng rebeldeng grupo at pamahalaan sa ilalim ng susunod na adminsitrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.