Pinag-aaralan pa ng Presidential Communications Office (PCO) kung bibigyan ng akreditasyon ang mga vloggers para makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, kapag natapos na aniya ang pag-aaral, agad niyang isasapubliko ang desisyon.
“Ang pag aaccredit sa ating mga vloggers ay patuloy po nating pinagaaralan. Kasama po yan sa ating mga programa na pinagaaralan po ngayon. So in time po kapag nagkaroon na kami ng malawakang pag-aaral, ibibigay po namin ang aming sagot with respect to that issue,” pahayag ni Garafil.
Kinuwestyun kasi ni Sen. Risa Hontiveros kung ano ang balak ni Garafil sa mga vloggers bilang miyembro ng Malacanang Press Corps.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.