Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Vanuatu, dakong alas 9:49 oras sa Pilipinas, Martes ng gabi.
Ayon sa United States geological Survey (USGS), namataan ang episentro ng lindol sa lagong 92 kilometro north-northwest ng Isangel, Vanuatu.
May lalim ang paggalaw ng lupa na 131 kilometro.
Wala namang inisyal na ulat ng pinsala na idinulot ang naturang lindol sa mga istruktura sa naturang bansa.
Ang bansang Vanuatu ay grupo ng mga isla sa nasa Pacific Ocean na bahagi ng ‘Pacific Ring of Fire’ na malimit naaapektuhan ng mga lindol at undersea volcanic activity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.