122 nagkasakit dahil sa Mindoro oil spill

By Jan Escosio March 15, 2023 - 11:08 AM

PCG PHOTO

May 122 indibiduwal na ang nagkasakit dahil sa oil spill sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire karamihan ay nakaranas ng pagkahilo, ubo at sipon.

“Marami din pong mga  nahihilo–16. Meron pong mga sumakit ang tyan. Nahirapan huminga, 10; meron nagkaroon ng skin rashes, around seven,” ani Vergeire.

May limang kaso na lumala ang asthma dahil sa pagkakasinghot ng hangin

Isa lamang aniya sa mga nagkasakit at kinailangan na ma-ospital at ang lahat ay nakarekober na.

Of the cases, only one was hospitalized, said Vergeire.

“All in all, halos lahat naman recovered. Katulad nga ng sabi ko dati, isa lang po ang napasugod natin sa ospital kasi nag asthmatic attack  but after one day nailabas na rin,” pagbabahagi pa ni Vergeire.

 

TAGS: asthma attack, doh, Oil Spill, sipon, ubo, asthma attack, doh, Oil Spill, sipon, ubo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.