Natatakot si Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa kanyang kaligtasan kung kaya atubili na umuwi sa bansa.
Nasa Amerika si Teves para sa isang medical trip.
Isa si Teves sa mga idinadawit sa pagkamatay ni Negros Oriental governor Roel Degamo.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, tinawagan siya ni Teves at nangangamba sa kanyang kaligtasan at ng kanyang pamilya.
“Cong. Arnie Teves got in touch with me through a phone call last night from an undetermined location. He expressed fear for the safety of his person and his family, saying this is the reason why he refuses to return home at this time,” pahayag ni Romualdez.
Ayon kay Romualdez, wala ng travel authority si Teves dahil natapos na ang kanyang leave mula Pebrero 28 hanggang Marso 9.
Payo pa ni Romualdez kay Teves, harapin na lamang ang mga kasong kinakaharap nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.