‘Full accountability’ ng may-ari ng lumubog na tanker sa oil spill iginiit ni Revilla

By Jan Escosio March 14, 2023 - 03:47 PM
Dahil sa lawak na ng pinsala sa kalikasan, kabuhayan maging sa kalusugan, iginiit ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., na dapat ay papanagutin ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress.   Sinabi din ni Revilla na dapat ang RDC Reield Marine Services ang nangunguna sa pagkontrol ng oil spill gayundin sa clean-up.   Ayon pa sa senador dapat ay hindi isangkalan ng RDC ang insurance, bukod dito ay hindi rin dapat ipaubaya sa iba ang pagtugon sa isyu.   “You must take full accountability and should be at the forefront of cleaning the mess you made,” diin ni Revilla sa RDC sa pagdinig ng Committee on Environment ukol sa oil spill.   Binanggit pa nito ang mga nawalan ng kabuhayan, lalo na ang mga mangingisda, dahil sa insidente.

TAGS: Bong Revilla, clean up, news, Oil Spill, Radyo Inquirer, Bong Revilla, clean up, news, Oil Spill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.