Ocean conversation advocacy group humirit ng national state of calamity dahil sa Mindoro oil spill

By Jan Escosio March 14, 2023 - 11:57 AM

 

Hinikayat ng Oceana Philippines International ang gobyerno na magdeklara ng national state of calamity sa layon na maisalba ang mga yamang-dagat, marine ecosystems at komunidad sa epekto ng oil spill sa Mindoro.

Sa ngayon, nagbabanta na ang oil spill sa Verde Island Passage, ang itinuturing na ‘Amazon of the Oceans’ at ang sentro ng marine biodiversity sa buong mundo.

Ayon sa grupo maaring magdeklara ng state of calamity si Pangulong Marcos Jr., alinsunod sa RA 10121 o ang Philippine Disaster Risk and Reduction Management Act.

Ito ay para mapabilis ang mga hakbang ng mga kinauukulang ahensya kasama na ang pagharap sa mga epekto sa kapaligiran at ekonomiya ng insidente.

Hiniling din ng Oceana na agad mapanagot  ang mga responsable sa oil spill kabilang na ang mga ahensiya na maaring nagkaroon ng pagkukulang sa pagtupad ng kanilang mandato.

Giit pa ng advocacy group dapat ang mga tanker ngayon ay ginagawa para mabawasan ang pagtagas ng langis kundi man mapigilan ang oil spill at noong 1996, ang tankers ay dapat may ‘double hull,’

 

TAGS: environmentalist, news, Oil Spill, Radyo Inquirer, environmentalist, news, Oil Spill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.