Bilang ng Chinese vessels sa Sabina at Pagasa Island, nabawasan
Mas kaunti na ang bilang ng hinihinalang Chinese maritime militia vessels sa Pagasa Island at Sabina Shoal.
Ayon sa Philippine Coast Guard, mula sa 42 na barko noong nakaraang linggo, nasa 15 na lamang ang nasa lugar ngayon.
Sabi ng PCG, base ito sa ginawang Maritime Domain Awareness flight.
Kabilang sa mga barko na nasa lugar ang Chinese Maritime Militia (CMM) People’s Liberation Army (PLA) Navy at Chinese Coast Guard (CCG) vessels.
Nabatid na ang PLA Navy’s Jiangdao Class warship at CCG vessel 5203 ay patuloy na nanawili sa Pag-asa’s twelve (12)-nautical mile territorial sea.
Sa bahagi naman ng Ayungin Shoal nanatili ang CCG vessel 5304 na nasa anim na nautical mile lamang ang layo mula sa Philippine Navy (PN) vessel na BRP Sierra Madre.
Sa bahagi ng Sabina Shoal, nasa 17 na lamang ang barko ngayon mula sa 26 na naitala noong dalawang linggo na ang nakararaan.
Sa naturang flight, nakatanggap ang PCG ng pitong radio challenges mula sa CCG vessesl, apat na challenges sa bahagi ng
Pag-asa Island’s territorial sea at tatlo sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.