eCongress inilunsad ng Senado, Kamara

By Jan Escosio March 10, 2023 - 07:59 AM
(Senate PRIB) Pumirma ng memorandum of agreement ang Senado at Kamara  para sa pagkakaroon ng eCongress, isang integrated digital legislative management system.   Layon nito na maging ‘digital’ ang mga serbisyo ng dalawang kapulungan ng Kongreso.   Pinangunahan nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, at Majority Leader Joel Villanueva ang Senado habang sa Kamara ay sina Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo, na kumatawan kay Speaker Martin Romualdez, at Majority Leader Jose Manuel Dalipe.   Ayon kay Zubiri, panahon na para magkaroon ng inobasyon ang Kongreso sa pagtupad sa kanilang mga mandato. Makakatulong aniya ang e-Congress para mapabilis ang legislative process at para sa epektibong pag-apruba ng mga batas.   Mapapalakas din nito ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang kapulungan at mas mapapaayos at mapapadali ang inter-chamber process.   Dagdag pa ni Zubiri, sa pamamagitan din ng e-Congress ay mabibigyan ang mga Pilipino ng mas accessible na platform kung saan ma-ta-track ng publiko ang trabaho ng mga mambabatas, mapaghuhusay ang transparency at maaaring makilahok ang mamamayan bilang aktibong participants ng legislative process.

TAGS: Congress, digital, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, Congress, digital, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.