Malawakang oil spill clean-up ikakasa sa Oriental Mindoro
Bukas, araw ng Biyernes, isasagawa ng pamahalaang-panglalawigan ng Oriental Mindoro ang malawakang oil spill clean-up.
Kasabay ito ng karagdagang 26 oil spill-related cases para umabot na sa 43 ang kabuuang bilang.
Sinabi ni Gov. Bonz Dolor hindi na nila kakayanin kung patuloy pa ang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa dagat na sakop ng bayan ng Naujan.
Dagdag pa niya dapat ay sa Lunes ang kanilang clean-up ngunit nais na niya itong gawin ng mas maaaga.
Aniya makakatulong nila ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kasabat nito ang pagsisimula ng pansamantalang kabuhayan para sa mga apektadong pamilya sa 78 coastal barangays sa mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.
Si Pangulong Marcos Jr., inanunsiyo na bibigyan ng pagkakakitaan ang mga apektadong mangingida sa pamamagitan ng ‘cash for work program.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.