Cash Transfer Program, pinalawig pa ni Pangulong Marcos

By Chona Yu March 07, 2023 - 05:24 PM

Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Cash Transfer Program.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, nasa 9.3 milyong pamilya ang makatatanggap ng tig P1,000 sa loob ng dalawang buwan.

Sabi ni Diokno, pang-ayuda ito ng pamahalaan dahil sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Na-identify na namin kung saan kukunin ang pera and siguro in a few days or in a few weeks, maibibigay na natin ito sa mga naapektuhan ng inflation,” pahayag ni Diokno.

Sinabi pa ni Diokno na nasa P26.6 bilyon ang kabuuang pondo para sa ibat ibang ayuda sa taong 2023.

“And then, pinakita rin namin na mayroong total na P26.6 billion sa subsidies for the vulnerable sectors. So, ito iyong mga fertilizer discount, voucher, iyong fuel discount on farmers and fisherfolks, fuel subsidy to transport sector affected by the rising fuel cost. So itong mga jeepney drivers, tricycle drivers and so forth and so on, they will get subsidies. And then, we will extend, as I mentioned, the targeted cash transfer program of P9.3 billion. A total of 26.6 billion.  So, these will be the subsidies for the vulnerable sector,” dagdag ng kalihim..

Palalakasin din aniya ng pamahalaan ang mga Kadiwa ng Pangulo stores kung saan alok nito ang mga murang bilihin.

Kasabay nito, bumuo na rin si Pangulong Marcos ng inter-agency committee na permanenting tututok sa pagmonitor sa inflation at supply at demand ng produktong pang-arikultura.

Tatawagin aniya itong Inter-Agency Committee on Inflation and Market outlook.

Layunin ng komite na na tiyakin na napapanahon ang pag-aangkat ng produktong agrikultura at hindi malulugi ang mga lokal na mga magsasaka.

Magiging basehan aniya ng komite sa pag-aangkat ang science-based forecast.

Magsusumite ang komite ng report kay Pangulong Marcos kada buwan para mamonitor ang lagay ng inflation.

Sina Diokno at National Economic Development Authority Director General Arsenio Balisadan ang magsisilbing chairman ng komite habang magsisilbing vice chairman ang kalihim ng Depqrtment of Budget and Management.

Magiging miyembro naman ang mga kalihim ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government at Department of Science and Technology.

Magsisilbi namang resource institutions ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Statistics Authority.

Gagawa rin ang pamahalaan ng agriculture monitoring dashboard para makita at mamonitor ni Pangulong Marcos ang presyo, supply at demand ng mga pangunahing bilihin.

Palalakasin naman ang sub-task group on economic intelligence na magmomonitor naman sa mga warehouses para maalabanan ang hoarding at profiteering ng ilang mapagsamantalang negosyante.

 

TAGS: ayuda, benjamin diokno, cash, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, ayuda, benjamin diokno, cash, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.