Inflation noong Pebrero, bumaba

By Chona Yu March 07, 2023 - 09:47 AM

 

Bumaba ang inflation o presyo ng mga bilihinnoong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Presidential Communications Office, base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 8.6 porsyento lamang ang naitalang inflation rate.

Mas mababa ito sa 8.7 porsyento na inflation na naitala noong Enero.

Ayon sa PCO, ang pagbaba ng inflation noong Pebrero ay dulot ng pagbaba ng presyo ng mga pagkain at produktong petrolyo.

Sabin g PCO, patuloy ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatupad sa mga programa at inisyatibo ng pamahalaan upang matugunan ang inflation.

TAGS: bilihin, bumaba, Inflation, news, Philippine Statistics Authority, Radyo Inquirer, bilihin, bumaba, Inflation, news, Philippine Statistics Authority, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.