Tatlong nahuling suspek sa Degamo killing sinipa sa Army, isa pa naaresto

By Jan Escosio March 05, 2023 - 05:14 PM

PNP PHOTOS

Kinumpirma ng Philippine Army (PA) na ang mga arestadong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Ruel Degamo ay dati nilang mga tauhan.

Hindi naman tinukoy kung saan huling unit nina Joric Labrado, 50, ng Cagayan de Oro City; Joven Aber, 42, ng La Castellana, Negros Oriental; at Benjie Rodriguez, 45, ng Bonifacio, Misamis Occidental,

Hindi pa nakilala ang pang-apat na suspek na napatay sa pagtugis ng mga awtoridad.

Sinabi ni Army spokesman, Col. Xerxes Trinidad, ang tatlong suspek ay ‘dishonarably discharged.’

“According to police reports, the arrested suspects are former Army soldiers. Notably, they were dishonorably discharged from the military service years back as they did not meet the standards of discipline among our ranks,” aniya.

Hindi na rin nagbigay ng detalye ukol sa mga dahilan ng pagkakasipa sa serbisyo ng mga auspek.

Una naman ng naipahayag ng pulisya na ang mga suspek ay nag-AWOL at may mga nasangkot pa sa droga.

Kahapon, pinagbabaril hanggang mapatay si Degamo habang namimigay ng ayuda sa loob ng bakuran ng kanyang bahay sa bayan ng Pamplona.

Bukod kay Degamo, walong iba pa ang napatay sa insidente, kabilang ang dalawang opisyal ng barangay.

Samantala, isang suspek pa sa kaso ang naaresto sa bayan ng Amlan at nakuha sa kanya ang ilang matataas na kalibre ng baril,. kabilang ang isang sniper’s rifle.

 

TAGS: ambush, AWOL, PA, ambush, AWOL, PA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.