Mga suspek sa pamamaril kay Governor Roel Degamo pinasusuko na ni Pangulong Marcos

By Chona Yu March 04, 2023 - 05:45 PM

 

Mariing kinonenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Pangako ng Pangulo, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Degamo at mahuli ang mga salarin.

“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” pahayag ng Pangulo.

“The investigation into this murder is developing rapidly. We have received much information and now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,” dagdag ng Pangulo.

Binalaan ng Pangulo ang mga salarin na hahanapin sila ng mga awtoridad.

“You can run but you cannot hide. We will find you. If you surrender now it will be your best option,” pahayag ng Pangulo.

Namimigay si Degamo ng ayuda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries nang pagbabarilin ng anim na suspek sa kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Pamplona.

Inatasan na ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang Philippine National Police na magsagawa ng pursuit operation.

“Nakadeploy na ang  mga puwersa ng Negros Oriental Provincial Police Office pati na ang mga kapulisan sa karatig na probinsya para galugarin ang bawat  sulok ng lugar para agad na madakip ang mga kriminal,” pahayag ni Abalos.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Negros Oriental, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., Negros Oriental, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.