‘Fashion show’ tuwing SONA, hindi mangyayari sa Duterte admin

By Isa Avendaño-Umali June 14, 2016 - 04:18 AM

 

Inquirer file photo

Wala nang aasahang tradisyonal na fashion show sa State of the Nation Address o SONA ni President elect Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni outgoing 1-BAP PL Rep. at incoming Labor Sec. Silvestre Bello III, alam naman ng lahat na simpleng tao lamang si Duterte, na walang hilig sa red carpet.

Para pa kay Bello, ang pagiging simpleng ni Duterte na mahirap sapawan.

Tuwing panahon ng SONA, isa sa inaabangan ay ang ‘parade of stars’ sa red carpet ng Kamara dahil sa magarbong pananamit ng mga Mambabatas at kanilang asawa, mga bisita at mga opisyal ng gobyerno.

Si Duterte ay madalas na nakikitang nakasuot lang ng checkered na polo, maong pants, at boots at sa SONA ay posibleng magbarong tagalog lang aniya ito, pantalong maong at boots.

Kaya payo ni Bello sa mga nakasama sa Kongreso na gawing simple na lamang ang pananamit sa SONA.

Kasabay nito, sinabi ni Bello na ihanda na mga tenga at mata dahil maririnig at makikita ang matapang na speech ni Duterte sa SONA kaugnay sa mga plano nito sa bansa at mga adbokasiya nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.