Paglilisensya ng baril, ide-decentralize na ng sunod na PNP Chief
Sa halip na sa main office sa Camp Crame, ipapadecentralize ni incoming PNP Chief Chief Supt. Ronald dela Rosa ang pagpapalisensiya ng baril sa sandaling pormal na siyang maupo.
Ayon kay Dela Rosa, di na kailangang pang magpunta sa Kampo Crame ang mga nagma- may ari ng baril lalong lalo na ang nasa mga lalawigan o malalayong lugar para lang sa pagpapalisensya at renewal ng LTOPF o License to Own and Possess Firearms.
Ibabalik umano ni Dela Rosa ang pagpoproseso sa mga regional offices hindi kagaya sa umiiral sa kasalukuyang admin na kinakailangan mo personal na magtungo sa Crame para sa pagproseso ng mga papeles ng baril.
Ang hakbang ay alinsunod na rin umano sa mithiin ng Duterte administration na tanggalin ang mahahabang pila at pabilisin ang transaksiyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.