PLDT at Globe, posibleng may nilabag na probisyon sa Competition Act-PCC

By Jay Dones June 14, 2016 - 04:13 AM

 

pldt-globePosibleng may nilabag na probisyon sa ilalim ng Philippine Competition Act ang PLDT Inc. at Globe sa pagbili ng mga ito sa P69.1-bilyon halaga ng comunications frequency mula sa San Miguel Corp.

Ayon sa Philippine Competition Commission, isinasaad ng section 17 sa Philippine Competition Act, dapat ay ipinagbigay-alam sa komisyon ang naturang transaksyon bago ito isinulong ng dalawang partido.

Dahil dito, maituturing na ‘void’ o walang bisa ang naturang kasunduan at papatawan ng isa hanggang limang porsyentong ‘fine’ o danyos ang dalawa depende sa halaga ng transaksyon.

Giit ng PCC na isang anti-trust watchdog, hindi pa nila na-review ang transaksyon na namagitan sa PLDT, Globe at SMC dahil na-deny ang initial notice na inihain ng Globe at PLDT dahil sa pagiging ‘deficient and defective in form and substance’.

Dapat anilang ayusin muna ng dalawang kumpanya ang nilalaman ng kanilang initial notice bago ito idaan sa review ng komisyon.

Gayunman, giit ng Globe at PLDT, pinal na ang kasunduan dahil wala namang maling impormasyon na nilalaman ang kanilang finitial notice na inihain sa PCC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.