PBBM walang balak na humingi ng ‘special powers’ sa paglaban sa inflation

By Chona Yu March 01, 2023 - 11:08 AM

PCO PHOTO

Walang nakikitang sapat na dahilan si Pangulong Marcos Jr. para humingi ng special powers sa Kongreso para tugunan ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Reaksyon ito ng Punong Ehekutibo sa nabanggit ni  Marikina Rep. Stella Quimbo kung nararapat nang bigyan ng special powers ang kalihim ng Department of Agriculture na pinamumunuan ni Pangulong Marcos upang matugunan ang pagtaas ng mga bilihin.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa “Kadiwa ng Pangulo” sa Quirino Grandstand, Manila, sinabi nito na mayroon naman na siyang kapangyarihan para magdeklara ng emergency at makontrol ang presyo ng mga bilihin.

Pag-amin ng Pangulo, walang magagawa ang pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang elemento.

“I do not think that it is necessary to ask for special powers. If we declare, for example, if we declare– I already have the power to declare an emergency and to control the prices of commodities. So I don’t think there’s any need for more than that. That is efficient,” aniya.

Pumalo sa 8.7 percent ang inflation noong unang buwan ng taon.

 

 

TAGS: emergency power, Inflation, special power, emergency power, Inflation, special power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.