February inflation posibleng humataw hanggang 9.3 percent

By Jan Escosio March 01, 2023 - 10:22 AM

Umamin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sa halip na bumaba ay humataw pa muli ang mairerehistrong inflation sa bansa ngayon buwan.

Ayon sa BSP ang February inflation ay maaring maglaro sa pinakamababa na 8.5% hanggang sa pinakamataas na 9.3%.

Magugunita na ang January inflation ay 8.7%, na pinakamataas na simula noong 2008.

Si Pangulong Marcos sinabi na maaring lumambot ang inflation sa kalahati ng taon at ang BSP ay nagsabi na maglalaro na lamang ito sa higit 2%.

Sa inilabas na pahayag, ayon sa BSP ang paghataw ng inflation ay maaring bunga ng mas mataas na presyo ng cooking gas, gayundin ang pagtaas ng halaga ng karne ng baboy at manok, itlog at asukal.

Samantala, ang positibo naman ay ang pagbaba ng halaga ng mga produktong-petrolyo, prutas, gulay at karne ng baka, gayundin ang paglakas pa ng halaga ng piso sa dolyar.

“The BSP will continue to adjust its monetary policy stance as necessary to prevent the further broadening of price pressures as well as the emergence of additional second-order effects,” ayon pa sa ahensiya.

TAGS: BSP, Inflation, BSP, Inflation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.