Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang diplomat at abogadong si Manuel Antonio Teehankee bilang representative ng Pilipinas sa World Trade Organization sa Geneva, Switzerland.
Ito ang sinabi ni Malacanang Press Briefing Daphne Osmeña.
Matatandaan na hindi nakalusot sa Commission on Appointments si Teehankee noong Disyembre ng nakaraang taon.
Pinagsusumite kasi muna si Teehankee ng CA ng committee report kaugnay sa “‘Understanding of Agreed Procedures” na nilagdaan ng Pilipinas at Thailand.
Una nang itinalaga ni Pangulong Marcos si Teehankee noong Hulyo ng nakaraang taon.
Samantala, itinalaga rin ng Pangulo sina Andrew Rodolfo Orais at Jose Elumba bilang Directors IV at III ng Department of Agriculture.
Itinalaga rin ng Pangulo sina Frederick Amores bilang DICT Director IV habang sina Sittie Rahma Alawi, Reynaldo Sy, at Jocelyn Tendenilla ay itinalagang Director III.
Itinalaga ng Pangulo sina Kenneth Chua at Milagros Ogalinda bilang miyembro ng National Tripartite Industrial Peace Council ng Department of Labor and Employment.
Itinalaga ng Pangulo si Leonila Baluyut bilang Assistant Secretary ng DTI.
Itinalaga ng Pangulo sina Marlo Guloy at Benjamin Madrigal Jr. bilang Deputy Directors-General ng National Security Council.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.