Hinamon ng duelo ni incoming PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang dalawampung mga drug lords sa New Bilibid Prisons na umano’y nag-ambagan para sa patong sa kanyang ulo.
Ayon kay dela Rosa, mag duelo na lamang umano sila ng mga drug lords dala-dalawa para tapos na ang problema.
Ibig sabihin sasalang sa sampung round si “Bato” para makaduelo ang dalawampung mga drug lords.
Sa impormasyon nakalap ni dela Rosa, nag-ambag ng tig P50 Million para umabot sa P1 Billion na inaalok nila para sa sinumang makakapatay sa kanila ni President-elect Rodrigo Duterte, dating DOJ Sec Leila de Lima at Bureau of Corrections Director Rainier Cruz.
Samantala, ayon naman kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, sineseryoso nila ang ganitong banta at ipinaabot.
Nauna nang sinabi ni dela Rosa na magiging madugo ang kanilang kampanya kontra sa kriminalidad at illegal drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.