Nagsagawa ang North Korea ng test ng isang intercontinental ballistic missile (ICBM) noong nakaraang Sabado at hindi ito nagustuhan ng Pilipinas.
Nagpahayag ng pagkondena ang Pilipinas ginawa ng North Korea sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
“These tests provoke tension and undermine peace and stability in the Korean Peninsula, in the region and the world,” ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs’ (DFA).
Inulit din ng DFA ang panawagan sa Democratic People’s Republic of Korea na tigilan na ang pagsasagawa ng missile tests at sumunod sa resolusyon ng United Nationas Security Council.
Sa inilabas na detalye ng North Korea, ang kanilang sinubukan ay ang isang Hwasong-15 ICBM na lumipad ng 989 kilometro sa loob ng 67 minuto sa taas na 5,768 kilometro at ito ay base sa utos ni Kim Jong Un.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.