Nagtalaga ng officer-in-charge ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) kapalit ng maysakit na si General Manager Jose Angel Honrado.
Ayon sa Media affairs office ng MIAA, pansamantalang papalit kay Honrado si Ret. Gen. Vicente Guerzon Jr.
Nilinaw naman ng tagapagsalita ni Honrado na si Dave Castro na hindi nagbitiw sa pwesto ang general manager.
Mayroon aniya itong iniindang karamdaman ngayon kaya naghain muna ng emergency leave.
Hindi naman tinukoy ni Castro kung ano ang karamdaman na iniinda ngayon ni Honrado./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.