Malinaw na guidelines sa no-contact apprehension program hiningi ni Recto

By Jan Escosio February 23, 2023 - 12:06 PM

Sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto na kung matutuloy ang muling pagkasa ng no-contact apprehension program (NCAP) sa buwan ng Abril kailangan matiyak na naresolba na ang lahat ng isyu na bumalot dito.

Kailangan aniya na ng malawakang konsultasyon at malinaw na panuntunan sa muling pagpapatupad nito.

“The national government must look under NCAP’s hood and tweak and treat the program of its defects. Para kung ibabalik man, walang malawakang reklamo na ang hulicam ay parang hulidap,” sabi ni Recto.

Dagdag pa niya: “Mainam siguro kung iutos ng Malacanang ang isang pag-aaral na ang layunin ay bumalangkas ng isang national policy guidelines sa programang ito. Crowdsource the ideas, canvass the best practices, and cure it of its weaknesses.”

Aniya ang kailangan ay iisang guideline na maaring maipatupad sa buong bansa.

Mahalaga aniya na magkaroon ng pamantayan sa mga multa sa bawat paglabag sa batas-trapiko at kailangan ay malimitahan din ang kita ng private contractors.

“In principle, I agree that CCTVs could be a tool to enhance traffic enforcement, to impose rules — that should be the only motivation, and never to raise revenues,” dagdag pa ng kongresista.

TAGS: fine, LGUs, NCAP, traffic violations, fine, LGUs, NCAP, traffic violations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.