4 sakay ng Cessna plane na humalik sa Mayon, kinumpirmang patay
Kumpirmadong nasawi ang apat na sakay ng Cessna 340A plane na sumalpok sa bahagi ng Bulkang Mayon sa Camalig, Albay.
Ibinahagi ni Camalig Mayor Carlos Baldo ngayon umaga na natagpuan na ng rescuers ang mga labi ng apat na sakay ng eroplano.
Kagabi idinekara ni Baldo na tapos na ang ‘search and rescue operations’ sa mga sakay na sina Capt. Rufino James Crisostomo Jr., aircraft mechanic Joel Martin at ang mga pasahero nilang sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam, kapwa Australian nationals.
Aniya ang gagawin na lamang ay ‘retrieval operations’ at nagpadala siya ng karagdagang rescue team na sasalubong at tutulong para maibaba na ang apat na bangkay.
Pagtataya ni Baldo anumang oras ngayon araw ay maibababa na ang mga biktima ng plane crash.
Lumipad mula Bicol International Airport ang eroplano ala-6:43 ng umaga noong Sabado patungong Manila at makalipas lamang ang tatlong minuto ay nawala na ang komunikasyon sa air traffic control.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.