Isidro Purisima itinalagang acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Isidro Purisima bilang acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Pupunan ni Purisima ang puwesto ni dating Presidential Adviser Carlito Galvez na itinalaga ni Pangulong Marcos bilang kalihim ng Department of National Defense.
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Wilben Mayor, bilang Presidential Assistant 1 ng OPAPRU.
Itinalaga rin ng Pangulo si Valerie Joy Brion, bilang Executive Director 5 ng Commission on Filipinos Overseas.
Magsisilbing acting Administrator at miyembro ng Dairy Industry Board ng National Dairy Authority si Gabriel Lagamayo habang si Domingo Bartolome Gonzaga ay itinalagang Director II ng National Meat Inspection Service
Magsisilbi namang Deputy Executive Director 3 ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries si Julieta Opulencia.
Magsisilbing acting General Manager at Chief Executive Officer at miyembro ng Board of Director ng Laguna Lake Development Authority si Senando Santiago.
Sa Department of Finance, itinalaga ng Pangulo sina David Ero at Virginia Orogo bilang Acting member, representing Agrarian Reform Beneficiaries, Board of Directors Landbank of the Philippines.
Itinalaga ng Pangulo si Emerico de Guzman bilang miyembro na magri-repsenta ng employer sector ng National Tripartite Industrial Peace Council.
Itinalaga ng Pangulo si Flora Bonales bilang Director 4 ng Department of Trade and Industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.