Ambush kay LDS Gov. Adiong Jr., Aparri VM Alameda insulto sa PNP – Revilla
Kinondena ni Senator Ramon Revilla Jr., ang tangkang pagpatay kay Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr., maging ang pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda.
“Kasuklam-suklam. Karumal-dumal. Wala itong lugar sa isang sibilisadong lipunan. Violent incidents like this continue to create havoc and fear among our people. Kailangan nang matuldukan ng tuluyan ang ganitong mga pangyayari,” sabi ni Revilla.
Napatay sa magkahiwalay na pananambang ang apat sa security aides ni Adiong Jr., gayundin ang limang kasama ni Alameda bukod sa kanya.
“This is slap in the face of our law enforcement instrumentalities. The Philippine National Police (PNP) should spare no effort in hunting down the perpetrators and masterminds and immediately bring them to justice. Kailangan ipakita ng pulisya na kaya nilang panatilihan ang kaayusan sa ating bansa,” dagdag pa ng senador.
Bilin niya sa pambansang-pulisya, dapat ay maging alisto sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan at hindi dapat hayaan ang mga kriminal na sila ay malamangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.