Balanseng pagbibigay proteksyon sa kalikasan at pagpapatupad ng mining law, siniguro ni Pangulong Marcos
By Chona Yu February 19, 2023 - 06:08 PM
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging maingat ang kaniyang administrasyon sa pagbalanse sa pagbibigay proteksyon sa kalikasan at pagpapatupad ng batas hinggil sa responsible mining.
Sa panayam kay Marcos matapos ang pagdalo sa Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming sa Baguio City, natanong ito sa polisya ng kaniyang administrasyon hinggil sa pagbibigay proteksyon sa kalikasan partikular sa usapin ng pagmimina.
“In terms of protecting the environment, it’s very clear what the position of this government has always been… It has been an important part of all our policies, that we are environmentally conscious, that we are moving the economy towards green technologies, we are moving our production of power towards renewables,” ayon sa pangulo.
Sa usapin ng pagmimina, sinabi ng pangulo na ang mineral exploration and extraction ay importanteng bahagi ng mga plano para sa ekonomiya ng kaniyang administrasyon.
Ani Marcos itutuloy ng pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas hinggil sa responsible mining.
Kabilang dito ang pagsiguro na ang mga mining company ay responsable sa mga lugar na pinagdarausan ng kanilang pagmimina.
“So it is really a question of enforcing the law in terms of responsible mining and that is what we will continue to do. We will always make sure that the mining companies who come in, once they are finished mining that they leave the site in the same condition as it was when they found it,” dagdag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.