Indigent PWDs sa Quezon City bibigyan ng pinansyal na ayuda

By Chona Yu February 17, 2023 - 03:58 PM

Bibigyan ng pinansyal na ayuda ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang nasa 8,000 na indigent Persons with Disability sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, base sa talaan ng Disability Affairs Office (PDAO), sa ngayon nasa 700 na PWD na ang nakikinabang at nakatatanggap ng subsidy ng P1,500 kada quarter sa loob ng isang taon.

“Limitado ‘yung mga natatanggap na tulong ng mga PWD mula sa iba-ibang ahensya ng pamahalaan. Kaya binuo natin itong programang ito para kahit papaano ay makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya lalo na ngayong tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin,” pahayag ni Belmonte.

Una nang inaprubahan ng konseho ang City Ordinance 3115-2022 na nagbibigay ng pinansyal na ayuda sa PWD na hindi nakatatanggap ng ayuda sa national government gaya ng GSIS, SSS, at 4Ps.

Prayoridad sa programang ito ang mga bedridden; PWDs na may severe health conditions; solo parent PWDs; solo parent na amy anak na PWD; displaced PWD workers na naninirahan mag-isa at PWDs na naninirahan sa mga senior citizen parents.

Sa mga nagnanais na makinabang sa programa, maari lamang magsumite ng lahat ng documentary requirements sa pinakamalapit na PDAO district office. Kailangan na mag-prsenta ng PWD QCitizen ID at proof of residence sa kanilang barangay.

Bukod sa social welfare assistance, nagbibigay din ang lokal na pamahalaan ng P5,000 na ayuda kada taon para sa educational assistance sa mga children with disabilities para masuportahan ang kanilang special education o vocational classes.

Mayroon ding libreng mental health medicines at available din ang local health centers.

Namimigay din si Belmonte ng libreng hearing aids, wheelchairs, canes at iba pang assistive devices sa PWDs.

 

 

TAGS: joy belmonte, news, pwd, quezon city, Radyo Inquirer, joy belmonte, news, pwd, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.