Mga lokal na magsasaka hindi madedehado sa RCEP

By Jan Escosio February 17, 2023 - 12:45 PM

 

Pinakalma ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga pangamba na makakaapekto sa sektor ng agrikultura ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement.

Ayon kay Zubiri, isa din siyang agriculturist, kayat nauunawaan niya ang mga takot ng mga magsasaka na sila ang madedehado kapag lumusot ang kasunduan.

Pangunahing ikinakatakot ng magsasaka ay magiging daana ng RCEP sa labis-labis na importasyon  ng mga produktong agricultural.

Paglilinaw pa nito na ang bigas, poultry meat, patatas, bawang, sibuyas, repolyo, asukal at carrots ay hindi kasama sa tariff liberalization sa ilalim ng RCEP.

Pagpupunto ni Zubiri na sa ilalim ng RCEP ay magkakaroon lang ng dagdag na preferential arrangements ang 33 agricultural tariff lines patikular para sa Australia, New Zealand, China, at Korea.

Ang 33 tariff lines na ito aniya ay katumbas ng lang ng labing limang produkto, na karamihan ay hindi naman banta sa ating mga lokal na produkto.

Ang mga sinasabi niyang produkto  ay fish fillet, frozen mackerel, celery, sausages, olives, spinach, olive oil, live swine, live chicken, black pepper, palm nuts at kernels, preserved sweet corn, chilis at iba pang capers, preserved onions, corn starch, at feeds for primates.

TAGS: magsasaka, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, RCEP, magsasaka, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, RCEP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.